75

Jun 21, 2022 @ 18:19
By

Robin naiyak: Napakalaking sakripisyo ang maging lingkod-bayan

Naiyak si Senador Robin Padilla.

Napakalaking sakripisyo raw kasi ang maging isang lingkod bayan at napapalayo na raw sa kanyang ang mga anak niya.

“Natulog po ako yakap ko ang love letter ng anak ko @mariaisabelladepadilla miss na miss ko mga anak ko. naluluha po ako hindi ko na naririnig ang kanilang mga hagikgik at tawa mga kaligayahang magulang lamang po nila ang kanilang mundo bawat araw na dumadaan napapalayo po sila sa akin,” saad ni Robin sa Facebook post.

“Napakalaking sakripisyo po ang maging lingkodbayan. mundo ko po ang kapalit para sa mundo ng nakararami,” dagdag niya.

Inaasahan na raw niya ang mga pagbabago na darating sa kanyang buhay bilang mambabatas.

“Me time no more. longest 3 hours sleep, no relaxation, no more streaming no more tv missing the news and docus. May Allah give me more strength and good health.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?