15,501

Feb 22, 2020 @ 12:58
By

Robin nagpatama kay Coco: Si FPJ hindi nambubuhos ng crew!

Tuloy-tuloy ang banat ni Robin Padilla kay Coco Martin matapos isiwalat na nambuhos ito ng tubig sa crew ng ‘Ang Probinsyano’ na unang na-report ng Abante Tonite.

Una ay sumalag si Robin sa mga patama sa kanya ni Manay Lolit Solis na kinampihan si Coco dahil hindi pinatulan ang mga nasabi ng action star.

Ayon kay Lolit ay hindi naman umano nagreklamo ang mga taong nabuhusan ng tubig kaya tama lang na manahimik si Coco.

“Tahimik lang siya, at bakit nga naman niya sasagutin ang mga pasabog nito gayun iyon mga taong mismong sinasabi ni Robin na ‘inapi’ niya hindi nagri-reklamo. Kung talagang apektado ang mga ito sana nauna na silang nagsalita,” sey ni Lolit, na sinabing ‘all bark, no bite’ si Padilla.

Dahil dito’y pumalag si Padilla, sinabi na ang kanyang ginagawa ay para sa mga maliliit na manggagawa ng ABS-CBN.

“Ang ginagawa ko po ay pakikipaglaban para sa karapatan ng mga maliliit na manggagawa ng ABS-CBN at nanay Lolit ang pagbuhos po ng tubig ay totoong naganap,” pahayag ni Robin sa kanyang Instagram post.

Aniya pa, pinagbawalaan na umano si Coco ng ‘Reyna ng Pelikulang Pilipino’ na si Susan Roces, na gawin ang nasabing biro, na maski ang Pinoy legend na si yumaong Fernando Poe Jr ay hindi ginagawa sa kanilang set, saad ni Robin.

“Mismong ang reyna ng pelikulang pilipino ang nagbawal po kay direk coco na wag gagawin yun dahil po kahit minsan ay hindi po ginawa yun ng hari ng pelikula na si FPJ,” lahad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?