250

Aug 8, 2020 @ 15:30
By

Robin nagpapakalat ng fake news – Pia Magalona

Pinitik ng biyuda ni Master Rapper Francis Magalona ang action star na si Robin Padilla.

Ani Pia sa kanyang tweet, nagpapakalat daw si Binoe ng maling impormasyon kaugnay sa nangyaring pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Sinabi raw kasi ng aktor na isang terrorist act ang naganap pero mismong Lebanon government na raw ang nagsalita na isa iyong aksidenteng pagsabog.

“Robin Padilla is spreading false information re the Beirut explosion—claiming it’s a terrorist act, when Lebanon says it was an accidental explosion—and his source is Trump. Double whammy,” sey ni Pia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?