35
robin-lopez
Apr 1, 2018 @ 18:12
By

Robin Lopez pinagmulta ng $25,000 sa paninigaw sa refs

Sumuka ng US$25,000 (P1.3 milyon) si Chicago Bulls center Robin Lopez dahil sa paninigaw nito sa mga game officials at hindi nito pag-alis sa court matapos ma-eject sa laban kontra Miami Heat.

Inihayag ng NBA ang multa nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas) dahil sa inasal ni Lopez sa fourth quarter sa pagkatalo ng Bulls sa Heat noong Huwebes.

Dalawang beses tinawagan ng technical foul si Lopez at na-eject sa laro subalit dinuro-duro nito at pinagsisigawan ang mga referee sa laban.

“I was emotional. I had a life reaction,” sabi ni Lopez matapos ang laro.

“I felt I was never given the time to cool down. I was making my way towards the bench and I was hit with that second T right away. I was a little caught off guard. … It’s not something I’m particularly ashamed of. I play with passion. If I do something I feel is wrong, I apologize for it. If not, I’ll stand by it.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?