76

Mar 31, 2018 @ 10:27

Robin Lopez ng Bulls pinagmulta ng $25,000

Dahil sa pagtatalak sa mga reperi bago lumabas ng court matapos ma-eject sa laro, pinatawan ng multang $25,000 ng NBA si Robin Lopez ng Chicago Bulls nitong Biyernes.

Nangyari ang insidente may 8:43 pang nalalabi sa fourth quarter sa pagkatalo ng Bulls, 103-92, sa Miami Heat noong Huwebes sa American Airlines Arena.

Hindi na nakapagtimpi si Lopez nang mapatalsik siya sa laro dahil sa dalawang technical fouls.

Habang papalabas ng court ay pinagsisigawan at dinuro pa nito ang mga reperi.

Hindi maganda ang lagay ngayong season ng Chicago na nalaglag sa 24-51 record.

Nakadagdag pa marahil sa dismaya ng beteranong si Lopez ang pitong sunod na talo na ng Bulls.

“I was emotional. I had a life reaction,” ani Lopez matapos ng laro.

“I felt I was never given the time to cool down. I was making my way towards the bench and I was hit with that second T right away. I was a little caught off guard. … It’s not something I’m particularly ashamed of. I play with passion. If I do something I feel is wrong, I apologize for it. If not, I’ll stand by it.” (AP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?