266

Aug 6, 2020 @ 21:36
By

Robin kinuyog, pagsabog sa Beirut kinonek sa Anti-Terrorism Law

Hindi natuwa ang ilang netizen sa paggamit ni Robin Padilla sa nangyaring pagsabog sa Lebanon para bigyang katuwiran ang Anti-Terrorism Law.

Nag-No. 1 trending siya sa Twitter PH nitong August 6 habang may ibang nagsabi na may punto ang action star.

“Ito ang masasakit na ganap na dapat ay magsilbing babala at aral sa mga bansang may mataas na threat ng Terrorismo katulad ng Inangbayan Pilipinas. Ngayon malinaw na sa ating lahat kung bakit kinailangang higit na maisabatas ang Anti Terrorism Law. Umabot na po sa ganito ang kalupitan ng tao sa kanyang kapwa. Wala ng awa ang mga Terorista sa sibilyan…” ani Robin sa Instagram post.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?