3,118

Feb 22, 2020 @ 12:09
By

Robin kina Coco, Dreamscape exec: ‘Wag niyong isama ang mahihirap na crew sa katarantaduhan niyo!

Muli na namang binatikos ni Robin Padilla ang pamunuan ng ABS-CBN matapos palutangin ang isyu na nambuhos ng tubig si Kapamilya star Coco Martin sa crew member ng ‘Ang Probinsyano’.

Pinatamaan ni Robin si Eric John Salut, ang Dreamscape Entertainment AdProm Head na may hawak sa ‘Ang Probinsyano’, dahil sa naging pahayag ng naturang content provider ng ABS-CBN na biruan lang sa set ang nasabing buhusan ng tubig sa serye.

“Nakalimutan mo na ba kung san ka galing bago ka nakarating sa mataas na palapag ng ABS-CBN,” patama ni Padilla kay Salut, na sinabing kinunsinto nito ang pagbuhos ng tubig sa mga crew member na puyat at wala pang tulog.

“Hindi naman makakaangal ang mga yan sa kahit kanino madalas makitawa lang kahit napapahiya dahil nakikisama lang sila,” pahayag pa ni Binoe.

Aniya pa, kung gusto nilang makipagbiruan ay dapat sa kapwa nila may sariling kotse at mga tent lalo na pagdating sa basaan dahil posible umanong magkasakit ang mga ito.

“Kung gusto niyo magbiruan eh di kayong mga may sariling kotse, service at mga tent sa taping pero yun mga taong naghihikahos sa hirap wag nyo ng isama sa mga katarantaduhan ninyo eh kung MAPASMA yan eh di may problema na naman sila kung san kukuha ng pangbili ng gamot,” ayon pa sa action star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?