658

Dec 20, 2017 @ 18:46
By

Robin, hindi susukuan ang US visa

Tuloy pa rin ang laban ni Robin Padilla para makakuha ng US visa at sa pagkakataong ito humingi na siya ng legal assistance sa isang kilalang US visa at immigration attorney na si Michael Gurfinkel.

Nakaposte sa kanyang Instagram account na ‘robinhoodpadilla’ ang ilang photo na nakasulat ang pangalan ng kanyang abogado at nilagdaang dokumento sa request na bigyan si Robin ng visa.

May short video rin si Robin na kasama ang kanyang mag-ina. Natutulog si Isabella habang nakapasak sa bibig niya ang daliri.

Nakasaad sa caption ng photo na nakipag-usap na si Robin at ang kanyang abogado sa American Embassy na kinokonsidera ng kanilang team na explanatory talks pa lang pero malaking hakbang na ito sa kanila.

Ayon kay Robin, ang kanyang misis na si Mariel ang isa sa mga nagpu-push para mabigyan siya ng visa.

Isa sa mga punto na karapatan ni Robin na magkaroon ng visa dahil natural born sa US ang anak niyang si Isabella.

Dalawa rin sa kanyang mga anak sa iba ay American citizen din.

Gusto ni Mariel na maipakilala nang pormal at harapan si Robin sa kanyang ama sa Amerika.

Bukod dito pangarap daw ni Mariel na makapag-aral sa States si Isabella at nakini-kinita raw ni Mariel na ang anak nila ang magiging kauna-unahang Fil-American President dahil mana ito sa kanya.

Nakakabilib si Robin sa mahabang paghihintay at pagtitiis niyang makakuha ng US visa, na kung iba lang ito ay baka sumuko na.

Naiintindihan namin ang intensiyon ni Robin at ito ay ang mabisita at makasama ang mga anak nito sa US lalo na si Isabella kapag nagdesisyon na sila ni Mariel na doon na pag-aralin ang kanilang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?