157

Oct 11, 2017 @ 11:22

Robin dedma sa throwback lover story nila ni Sharon

Nanatiling deadma si Robin Padilla sa pakikibuno ni Sharon Cuneta sa kanyang mga bashers kaugnay sa pinoste nitong statement na naglilinaw tungkol sa pagpu-post niya nang mga throwback photos nila nang action star.

Nasermunan na si Sharon nang ilan niyang mga followings-basher sa nauna niyang posting tungkol sa pagre-reminisce niya nang love story nila ni Robin noong mga single pa sila.

Sey ng mga bashers, hindi na raw dapat pang ibinabalik ni Sharon ang kuwento tungkol sa kanila ni Robin dahil may kanya-kanya na silang mga pamilya.

Nitong mga nakaraang araw muling nagpaskil si Sharon ng mga larawan nila ni Robin, pero may paglilinaw na ang aktres na walang malisya ang pagu-ungkat niya sa nakaraan nila nang aktor.

Nagsabi ng kanyang disclaimer si Sharon para hindi na siya uli kuyugin ng mga bashers niya na naiirita sa pagnu-nostalgia nang megastar sa nakaraan nila ni Robin at kung paano siya sinuyo ng action star.

Sa latest posting ni Sharon, ipinaliwanag niyang may gagawin silang movie ni Robin na magsisimula ngayong November at ibinalita rin naman ito ni direk Cathy Garcia-Molina sa grand presscon nang “Seven Sundays” kung saan ang huli ang siyang director.

Dalawang parts ng posting ni Sharon tungkol sa kanila ni Robin ang lumabas sa IG wall nito dahil sa haba.

Pero ni isang komento o pagtatanggol sa megastar ay walang ipinadala ang action star sa IG nang actress-singer.

Mas abala si Robin ngayon sa pagpu-poste ng mga videos na may kinalaman sa ikinakampanyang rebolusyonaryo at ang pagsama nito sa mga militara upang bisitahin ang Mindanao particular na ang Marawi.

Well, hindi na dapat pagtakhan kung deadma si Robin dahil isa ito sa karakter nang aktor, ang kanyang pagiging maginoo na hindi sumasawsaw sa isyu ng mga babae.

Anyways, kahit naman nabanggit rin naman si Kiko sa kuwento ni Sharon, hindi rin naman sumawsaw ang Senador.

Naging palaisipan lang naman sa mga followings ni Sharon kung sino ang tinutukoy niyang non-showbiz guy na lamang sa lahat ng mga nanligaw sa kanya at ito kung sakali mang wala pa siyang asawa ang puwede niyang balikan.(Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?