133
hayop-ka

Robin, Angelica bida sa animated film na ‘Hayop Ka!’

Bibida ang mga boses nina Angelica Panganiban, Robin Padilla at Empoy Marquez sa animated film na “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story”.

Inilabas na ng producers ng hit na pelikulang “Kita Kita” ang teaser ng animated flick.

Sa video makikita ang asong si Nimfa (Panganiban) na kakauwi lang mula sa mapusok na gabi kasama ang kanyang “lover”.

Dahan-dahan siyang pumasok sa bahay nang mahuli siya ng live-in partner niyang malaking aso rin na si Roger (Padilla).

Nabisto si Nimfa ni Roger na nagtataksil sa kanya kung saan sinampal niya ito at sinabihang “pokpok” na ikinagalit ng una.

Kasama rin sa “Hayop Ka!” ang mga boses nina Sam Milby at Arci Muñoz.

Wala pang petsa kung kailan ito ipapalabas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?