390

Jul 17, 2019 @ 21:17
By

Robi, Donny magdyowa, kuwela ang landian sa IG

Kuwela ang lambingan, landian nina Robi Domingo at Donny Pangilinan sa social media.

Wala akong kamalay-malay, may fan club palang DonBi (Donny-Robi), ha!

Sa Instagram post nga ni Robi na may kasama siyang magandang girl, na kuha sa US, hindi napigilan si Donny na mag-comment.

“Traveling to another country and seeing the world are always great experiences but what makes it even better is having someone to experience it with…and If you’re lucky like me, I got my own NYC tour guide too,” caption ni Robi sa mga IG photo niya.

“Akala ko ako lang!” komento nga ni Donny.

“@donny iniwan mo ko, nakahanap tuloy ako!” sagot naman ni Robi.

Well, kilala namin si Robi na malandi talaga sa mga kaibigan niyang lalaki. Di ba nga, nagagawa niyang harutin, landiin, nakawan ng halik sina Daniel Padilla, at iba pang close sa kanya. Ginagawa niya `yon sa harap ng kamera, na ikinaloloka ng mga fan niya.

Pero teka lang, parang tanggap naman ng mga fan ang DonBi, eh. Ang positibo ng mga mensahe nila sa dalawa.

altheavian “@donny okay lang yan hahaha akala ko nga din ako lang.”

leahorilla15 “@donny daya nya noh, nkalingat ka lng may iba na. don’t worry nak, andito kmi.”

theresejuvenise “@iamrobidomingo my DonBi heart is sailing @donny hahahahaha.”

imynafatalla “@donny hahahahahahha seloso si donny @iamrobidomingo.”

mhainebo “@donny Hahaha… Jelly agad xa oh. Hehe.. Ang cute nyo ni @iamrobidomingo #DonBi.”

Aliw, di ba? Daig pa nila ang KathNiel, AlDub, JaDine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?