By

Robi Domingo dedma sa ‘Sandaraaaaa’

Sharing is caring!

Grabe ang kantiyawan ng mga utaw kay Robi Domingo na isa sa co-hosts ng 31st Star Awards for Television kapag umaakyat sa stage ang ex-dyowa niyang si Gretchen Ho para tanggapin ang awards ng mga show na kinabibilangan niya.

Deadma si Gretch sa mga sigawan na may halong pangangantiyaw, samantalang si Robi naman ay hindi malaman ang iri-react pero halata sa face niya na parang nahihiya siya at hindi
malaman kung babatiin ba si Gretch, o lalapitan.

Pasimpleng nagmi-make face na lang ito sabay paypay ng hawak niyang cue cards para sabayan ang trip ng mga utaw. May mga sumigaw pa nga ng Sandara Park pero parang wala
itong naririnig.

Parang nagbiro pa nga ito na alam na niya raw ang dahilan kung bakit siya ang kinuhang isa sa hosts dito.

Nabawi naman ng pagkagulat ang kanyang mukha nung siya ang inanunsiyo na Face Of The Night – Male kung saan tumanggap siya ng ilang regalo.

Pakiramdam namin ay mahal pa nito si Gretchen kung pagbabasehan ang ilang mga panakaw na sulyap sa dati niyang kasintahan. Kita pa nga namin ang pag-‘hay’ nito habang papunta sa backstage matapos ang segment na ‘yun.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?