12

Oct 3, 2020 @ 21:59
By

Robi Domingo bagong host ng ‘Pilipinas, Game KNB?’

Dream come true para kay Robi Domingo na maging host ng sikat na game show na unang hinost ni Kris Aquino at sinundan ni Edu Manzano.

“Talagang I had to call her, my boss, [and ask], ‘Pilipinas Game KNB?’, ‘yung show nina Kris [Aquino] at Edu [Manzano]? Anong yes or no? Of course yes!” kuwento ni Robi sa showbiz reporter na si MJ Felipe.

Hindi na bago kay Robi ang pagho-host. Dati siyang host ng mga show gaya ng “Pinoy Big Brother” at “The Voice Philippines”.

“Matagal ko nang sinisigaw sa universe ito, matagal lang pangarap. Ang sarap sa puso na ‘yung mga boss mo have this confidence [in me],” dagdag niya.

Mapapanood daw ang 2020 version ng “Pilipinas Game KNB?” sa Jeepney TV at livestreaming app na Kumu simula October 12

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?