104

Nov 5, 2019 @ 15:40
By

Robert Pattinson mala-John Wick ang training

Ginagawa na ni Robert Pattinson ang lahat para maging handa at deserving bilang susunod na “Batman”.

Nagsasanay na ngayon si Pattinson kay Rigan Machado, na may 8th degree red at black belt sa Brazilian jiu-jitsu, na siyang nag-train kay Keanu Reeves para sa mga “John Wick” film.

Nag-post pa si Machado ng litrato nila ni Pattinson habang nasa gym sa The Academy Beverly Hills na nilagyan niya ng caption na “Batman is coming.”

View this post on Instagram

Batman is coming????

A post shared by Rigan Machado (@riganmachado) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?