19

Oct 18, 2021 @ 12:26
By

Robert Pattinson bumida bilang bagong Batman

Matapos maging bampira sa romance series na “The Twiglight Saga,” isa naman ngayong superhero si Robert Pattinson.

Siya kasi ang bibida sa 2022 film na “The Batman.”

Nito lamang linggo nang ilabas na ang trailer ng naturang pelikula.

Bukod kay Pattinson, lilitaw din sa naturang DC film sina Zoë Kravitz, Paul Dano, Jeffrey Wright, John Turturro, Peter Sarsgaard, at Jayme Lawson.

Nakatakdang ipalabas sa sinehan ang “The Batman” sa March 2022. (VA)
Attachments area
Preview YouTube video THE BATMAN – Main Trailer

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?