127

Mar 8, 2021 @ 16:47

Robert Jaworski 75-anyos na!

Ipinagdiriwang ngayon ni PBA legend Robert Jaworski ang kanyang ika-75 na kaarawan.


Ipinahayag naman ng kanyang mga tagahanga ang kanilang pagbati sa basketbolista.


Kilala si ‘Big J’ bilang isa sa mga pinaka magaling at sikat na PBA player. Sa katunayan, kabilang siya sa 40 Greatest Players ng liga at napasama rin sa PBA Hall of Fame taong 2005.

Pagkatapos maglaro ni Jaworski para sa University of the East kung saan siya nagtapos, sumabak na sa propesyonal na liga si “Jawo” kung saan naging kabahagi siya ng koponang Toyota at Ginebra San Miguel at naglaro sa 23 season ng liga.

Taong 1998 hanggang 2004 naman nang magsilbi siyang senador sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?