227

Nov 3, 2017 @ 12:16

Road widening sa Quezon Avenue, kumpleto na

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapalawak ng kalsada at pagpapahusay ng drainage sa west bound ng Quezon Avenue mula Elliptical Road hanggang Agham Road sa Lungsod ng Quezon.

Ang pagpapasinaya sa proyekto na nagkakahalaga ng P62 million ay pinangunahan nina DPWH Secretary Mark Villar at National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia

Dahil sa proyekto, ang dating apat na lane ng west bound ng Quezon Avenue ay pinalapad sa anim na lane.

Bukod sa pagpapalawak sa kalsada, inayos din ng DPWH ang concrete box culvert ng nasabing daanan para maibsan ang pagbaha sa lugar.

Ang dalawang karagdagang lane sa west bound ng Quezon Avenue ay maaring daanan bawat oras ng hindi bababa sa 164 na pampublikong jeepney, 437 pribadong kotse at 321 motorsiklo kapag rush hour.

Ang proyekto ay iniakma sa dalawang outermost service lane na patungo ng Agham Road at EDSA na karaniwang dumaranas ng mabigat na traffic. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?