33

Feb 21, 2020 @ 22:06
By

Road Warriors nangwalis sa Pasig

Winalis ng NLEX ang lahat ng laro, kasama ang 104-97 pagligwak sa Phoenix Pulse para pamayagpagan ang Phoenix Super Basketball Tournament sa Upper Deck Gym sa Pasig.

Sinandigan ng Road Warriors ang mainit na laro ni Bong Galanza upang masungkit ang ikatlong sunod na panalo sa apat na koponang pocket tournament.

Ibinuhos ng shooting guard ang kanyang 10 points sa opening quarter upang pasimulan ang pagharurot ng Road Warriors sa 37-23 abante. Umabot pa sa 21 puntos ang kalamangan pinigilan ang paghahabol ng Fuel Masters na dumikit sa pito sa pamamagitan ni Jorey Napoles.

Pinamunuan ni JR Quiñahan ang balanseng atake ng Road Warriors sa 15 pts. sahog pa ang apat na assists, at tatlong rebounds kahit hindi nakalaro sina Kiefer Ravena at Jericho Cruz.

Kabilang sa Gilas Pilipinas sina Ravena at Cruz na nagtungo na sa Indonesia at Guam, ayon sa pagkakasunod, sa parehas na araw, para kyumampanyha sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Nag-ambag si Philip Paniamogan ng 13 pts., seven rebs. at three asts. habang si Raul Soyud ay may 12 pts. at six rebs. Si Kevin Alas ay may 10 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?