37

Dec 26, 2017 @ 10:51
By

Road safety laws, baguhin – Bernos

Agad isusulong ni Abra Rep. Joseph ‘JB’ Bernos ang pag-amiyenda sa road safety laws sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.

Kasunod ito ng trahedya sa mismong araw ng Pasko kung saan 20 ang namatay sa banggaan ng bus at jeep sa Agoo, La Union.

Iginiit ni Bernos na dapat patawan ng mas mabigat na parusa ang mga pabayang driver at operators ng mga pampublikong transportasyon.

Sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, pinagmumulta lamang ng halagang P3,000 ang pabayang tsuper habang itinakda sa P50,000 ang “civil indemnities.”

Sabi ni Bernos, nakalulungkot na ang buhay ng taong namatay dahil sa kapabayaan ng drivers ay ka-presyo lamang ng latest gadget.

Pero higit sa kabayaran, dapat umanong magkaroon ng batas na magpo-protekta sa buhay at pipigil sa iba pang trahedya.

Kasama na anya rito ang pagpapataw ng parusa hindi lamang sa drivers kundi maging sa operators dahil sa pagkuha ng mga driver na hindi kuwalipikado sa pamantayan ng ligtas na pagmamaneho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?