134

Jun 21, 2019 @ 17:22
By ,

Roach: Thurman walang panama kay Pacquiao

Nagsimula nang mag-training si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa Wild Card Gym ni Hall of Famer trainer Freddie Roach.

Sa panayam ng The Philippine Star, sinabi ng beteranong trainer na masaya siya sa pinakita ni Pacquiao sa unang araw ng ensayo.

“Buboy [Fernandez] and Justin [Fortune] have him in great condition for the rigors of this part of training camp,” ani Roach.

Inamin din ng dating chief trainer ng eight division world champion na imbes na anim na rounds na sparring session lamang ang gagawin nila, ay sinabi ni Pacman na gawin itong walo gamit ang dalawang sparring partners.

“This is a great match-up. Thurman has youth and size. I’m sure he will come into the ring with 160 pounds behind his big right hand. Manny will be under 150,” dagdag nito.

Kumpiyansa rin si Roach na tatalunin ni Pacquiao (61-7-2, 39 KOs) ang undefeated at mas batang si Thurman (29-0, 22 KOs).

“Thurman is definitely a good fighter, but you look at his last three fights. He’s faded a little bit. He’s not doing quite as well,” sabi ni Roach sa panayam ng Forbes kamakailan.

“Manny is really fresh right now and is on top of his game. I don’t care how many years older Pacquiao is than Thurman. That doesn’t matter,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?