10

Aug 28, 2020 @ 20:25
By

Roach: Pacquiao walang laban sa 2020

Pahinga muna sa boksing si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao ngayong taon.

Ito’y ayon kay Hall of Fame trainer Freddie Roach, na sinabing mas pagtutuunan muna ng pansin ng eight division world champion ang kanyang trabaho bilang senador.

“He can’t leave the house because he’s a senator, and his kids are all in the house. It’s just a bad time for maybe everybody at this point,” ayon kay Roach sa BoxingScene. “He won’t fight this year.”

Sa ngayon ay wala pang napipili si Pac-Man para sa susunod niyang makakasapakan, ngunit ayon kay Roach ay perpekto si Mickey Garcia laban sa kanyang alaga.

“They were talking about Mikey Garcia and I said, ‘Yeah, that’s the perfect fight for Manny.’ But I don’t think we’ll really know until this (pandemic) is over,” saad pa ng trainer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?