manny-pacquiao-freddie-roach

Roach nasaktan sa ‘pagsipa’ sa kanya ni Pacquiao

Sharing is caring!

Kumpirmado, magkahiwalay na si Manny Pacquiao at long-time trainer nitong Freddie Roach.

Sa isang statement, sinabi ni Roach na tinanggal na siya bilang official trainer nito bago pa man nabuo ang world title fight ng Filipino boxing icon laban kay Lucas Matthyse sa Malaysia.

Mahigit 15 taong hinawakan ni Roach si Pacquiao na nagresulta sa pagiging sikat nitong boksingero sa buong mundo kung saan nasungkot nito ang walong boxing titles sa walong magkakaibang division.

Aminado si Roach na nasaktan siya sa ginawang pagbalewala sa kanya ni Pacquiao. Gayunpaman, umaasa pa rin siyang magtatagumpay ang senador sa kanyang laban.

“Manny and I had a great run for 15 years — longer than most marriages and certainly a rarity for boxing,” sabi ni Roach.

“I wouldn’t trade any of it. Inside the boxing ring and the political ring, I wish Manny nothing but the best.

“I would be lying if I didn’t say I wasn’t hurt that he didn’t contact me personally about his decision, but the great times we enjoyed together far outweigh that.”

Si Pacquiao ay nakatakdang lumaban kay Matthyse para sa WBA welterweight belt sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Hulyo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?