42

By

Roach binalaan si Broner

Anim na araw bago ang pagdepensa ni Manny Pacquiao ng kanyang WBA 147-pound belt laban sa four-division champion na si Adrien Broner sa January 19 (Enero 20 sa ‘Pinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, nagbabala ang kanyang long-time mentor na si Freddie Roach.

Mag-ingat sa matinding mga suntok ni Pacquiao. “(Pacquiao) hitting harder than ever,” wika ng 48-anyos na trainer.

Nangako ang Team Pacquiao na pipilitin nilang ma-knockout si Broner kaya hinay-hinay na lamang ang boksingero sa last phase ng kanyang training.

“At first I had cramps, but I’ve adjusted, I’ve been balancing my food and then watering my body,” kwento ng eight-division champion na si Pacquiao.

“It’s our passion, it’s what we want, and I’m still enjoying doing this and preparing for the fight. One week to go before the fight, I’m so excited to have a fight and bring honor to our country.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?