freddie-manny

Roach, aminadong nasaktan sa pagsibak ni Pacquiao

Sharing is caring!

Humiwalay na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa matagal nitong naging trainer na si Freddie Roach.

Ayon sa ulat, naglabas ng maikling pahayag si Roach hinggil sa pagkakaputol na ng 15-taon nitong ugnayan sa dating world champion na si Pacquiao.

Ito ay bago pa man ang nakatakdang pagharap ng 39-anyos ding senador para sa world title laban kay Lucas Matthyse.

Aminado si Roach na nasaktan siya nang malaman ang pagsibak sa kanya pero hiling pa rin nito ang kabutihan ng boksingero.

“Manny and I had a great run for 15 years — longer than most marriages and certainly a rarity for boxing,” ani Roach. “I wouldn’t trade any of it. Inside the boxing ring and the political ring, I wish Manny nothing but the best.

“I would be lying if I didn’t say I wasn’t hurt that he didn’t contact me personally about his decision, but the great times we enjoyed together far outweigh that.”

Si Roach ang kasama ni Pacquiao sa mga makasaysayan nitong panalo sa larangan ng boksing.

Nakatakda ang laban nina Pacquiao at Matthyse para sa WBA welterweight belt ng Argentino sa Kuala Lumpur sa Hulyo 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?