67

Mar 14, 2020 @ 19:51
By

RMC health workers, ‘persons under investigation’ na rin sa COVID-19

Inihayag ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na ilang mga health worker ng Rizal Medical Center (RMC) sa Pasig City ay nakalista nang persons under investigation (PUIs).

Ito umano ay dahil na-expose ang mga ito sa isang pasyenteng may COVID-19.

“I assure our health workers that you have the full support of the whole Department as we go through this ordeal together. I commend the commitment of our health workers, who amidst the risks they are currently facing, are still serving and saving the lives of our kababayans,” aniya.

Hindi naman tinukoy ni Vergeire ang profile ng COVID-19 patient na naka-admit sa RMC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?