222

Nov 12, 2019 @ 9:28
By

R&L Investments ‘di pa nakabangon

Matagal nang patalo ang R&L Investments Inc., ang suspendidong stock brokerage firm na sinisisi ang iisang clerk sa pagnanakaw diumano rito nang P700 milyon mula sa mga account ng mga kliyente.

Base sa isinumite nito sa Securities and Exchange Commission (SEC), hindi sapat ang assets o ari-arian ng R&L para bayaran lahat ng sinasabi nitong nanakaw sa mga kliyente ng kompanya.

Ayon sa Statement of Assets and Liabilities ng R&L, nasa P65.8 milyon lamang ang halaga ng assets nito at ang liabilities nito o kailangang bayaran ay nasa P19 milyon. Dagdag pa, matagal nang hindi sapat ang capital nito para magpatakbo ng ganitong negosyo.

Nakasaad naman sa statement of comprehensive income ng R&L, P2.1 milyon ang lugi nito o net loss nung 2018 at nasa P3.3 milyon naman ang lugi nito nung 2017.

Ayon sa isinumite ng kompanya sa SEC, P1.07 milyon lamang ang revenues nito nung 2018, mas mababa pa kaysa sa P1.22 milyon nitong revenue nung 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?