18

Jul 18, 2021 @ 11:32
By

RK Ilagan pinabilib mga netizen!

Sinong mag-aakala na ang third round pick pa sa nagdaang draft ang magkakaroon ng instant impact sa liga?

Sa laban ng Alaska Aces kontra Blackwater Bossing, halos dalawang minuto lang naglaro si RK Ilagan, ngunit sapat na ito para ipakita ang kanyang kakayahan.

Sa maikling panahon ay umiskor ng walong puntos si Ilagan, kasama rito ang back-to-back three na kinabiliban ng mga netizen.

Ayon naman kay Alaska coach Jeff Cariaso, hindi na siya nagulat sa biglaang pasabog ni Ilagan, na nakilala sa kanyang three-point shooting noong nasa San Sebastian pa.

“You saw at the end how impressive RK can be. He is our little spitfire. We are excited about him,” saad ni Cariaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?