20

Jul 21, 2021 @ 15:15
By

RK Ilagan ‘di nakailag sa hamstring injury

Napurnada ang magandang simula ni Alaska Aces rookie RK Ilagan sa kanyang karera matapos magtamo ng hamstring injury.

Kinumpirma ni Aces coach Jeffrey Cariaso na isang Grade 2 pulled hamstring ang tinamo ni Ilagan at mawawala sa lineup ng isang buwan.

“At least a month,” maikling pahayag ni Cariaso tungkol sa tagal ng pagpapagaling ng rookie.

Naganap ang injury matapos ang impresibong simula ng 5’8 point guard sa kanyang PBA career.

Sa unang laro ng Alaska kung saan tinambakan nila ang Blackwater, 103-77, pinasok si Ilagan 1:43 minuto na lamang sa orasan at marami ang kanyang pinabilib sa pag-iskor ng walong puntos tampok ang dalawang tres.

Si Ilagan ay 31st pick lamang sa nakaraang draft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?