263

Nov 7, 2017 @ 15:03
By

RJ Nieto ng Thinking Pinoy, kakasuhan ng libel ni Trillanes

Puntirya ni Senador Antonio Trillanes IV na maipakulong para sa kasong libelo ang Thinking Pinoy blogger na si RJ Nieto.

Ayon kay Trillanes, kakasuhan niya si Nieto dahil sa pagpapakalat ng fake news na tinawag siya ni US President Donald Trump na “little narco.”

Malaking kasinungalingan aniya ang ipinamalita ni Nieto at ng iba pang kolumnista na gumaya sa sinulat nito.

“Ipini-prepare nang abogado ko yung libel case. Kakasuhan naming siya ng libel. Nagkalat siya ng fake news na tinawag daw ako ni President Trump na little narco. Maliwanag na sa US government website on presidential pronouncements and interviews, wala talaga doon,” diin ni Trillanes.

“Kasinungalingan talaga ‘yan. It’s a propaganda operation na sasalubungin ko,” dagdag ng senador.
Hindi mapalagpas ni Trillanes ang paninira ni Nieto na aniya ay masamang tao dahil humihikayat na kuyugin ng publiko ang mga lehitimong mamamahayag.

“Itong si RJ Nieto, evil talaga. Nag-eencourage ng lynch mob mentality. Kapag anti-Duterte ang report, titirahin ang reporter,” ani Trillanes.
Kakasuhan din ni Trillanes ang kolumnista ng Manila Times na si Yen Makabenta dahil nagsulat din na tinawag siyang little narco ni Trump.
Kasama rin sana sa kanyang kakasuhan dahil nagkaroon din ng ganung artikulo ang beteranong mamamahayag na si Al Pedroche ng Philippine Star pero hindi na ito tutuluyan dahil humingi ng paumanhin at umamin na fake news ang report ukol sa sinabi umano ni Trump laban kay Trillanes. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?