88

Nov 15, 2020 @ 20:07
By

Rizza Diaz nanganak na!

Sa wakas ay mommy na si PBA courtside reporter Rizza Diaz.

Sa kanyang Instagram post, masayang binalita ni Rizza na isinilang na ang kanyang panganay na si Isabella Nohealani.

“We made it baby! Your first day was our best day,” sey ni Rizza.

Ilang sports personality ang bumati kay Rizza tulad nina David Semerad, KG Canaleta at Sol Mercado.

Agosto inanunsyo ni Diaz na siya’y nagbubuntis para sa kanilang first baby ni Bacoor City Strikers Nick Demusis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?