100

Dec 30, 2019 @ 16:06
By

Rizal Day celebration pinangunahan ni Duterte sa Davao

Taliwas sa naging tradisyon, hindi sa Luneta sa Maynila kundi sa Rizal Park sa Davao City ginunita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-123 death anniversary ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal.

Kasama ng Pangulo sa pagdalo sa seremonya sina Davao City Mayor Sara Duterte at Senador Bong Go.

Nag-alay ng bulaklak ang Pangulo sa bantayog ni Rizal pagkatapos ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas.

Wala sa official schedule ng Pangulo ngayong Lunes ang aktibidad niya sa Davao City.

Kasama rin sa mga dumalo sa aktibidad sa Davao City ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

Matatandaang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi dadalo ang Presidente sa paggunita ng Rizal Day at sa halip ay ibang bayani ang bibisitahin nito at pararangalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?