34

Sep 26, 2020 @ 21:01
By

Rivers, Nelson tutulong kay West

NAKAHANDANG magbigay ng assist si Clippers coach Doc Rivers, si Jameer Nelson, ang NBA at ng NBA Players Association kay ex-player Delonte West.

Kelan lang ay nag-viral ang photo ni 37-year-old West, mukhang gusgusin na at diumano’y nanghihingi ng pera sa lansangan.

Sa ulat ng TMZ, kuha ang larawan sa Dallas.

Coach ni West si Rivers noon sa Boston, college teammate niya sa St. Joseph’s si Nelson.

Si West ay 24th pick ng Celtics noong 2004, nakapaglaro din sa Seattle SuperSonic, Cavaliers, bumalik ng Boston at sa Mavericks. Natapos ang NBA career ng 6-foot-4 guard noong 2012, dumayo siya ng China bago bumalik sa Texas Legends sa G-League.

Sa kaagahan ng taon, lumabas din ang video ni West na naka-posas matapos umanong gulpihin sa kalsada.

Sa clip, maririnig ang isang pulis na nagtatanong kung bakit niya sinaktan ang isang tao.

“Walkin’ down the street and he approached me with a gun,” sagot ni West.

Sa dulo ng video, sabi ni West: “I’m the real fucking president.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?