106

By

Rivero, UP rumagasa vs Arellano

Pinangunahan ni guard Ricci Rivero at Jun Manzo ang University of the Philippines sa una nitong panalo sa 2019 Filoil Flying V Preseason Cup matapos pataobin ang Arellano University Chiefs sa iskor na 78-69, Martes.

Humataw ang dalawa ng tig-19 points at limang rebounds upang makabawi sa kanilang unang talo noong opening day, Linggo, laban sa San Beda Red Lions.

Dumeliber rin si Kobe Paras na may 16 puntos at anim na rebounds para sa Peyups kahit wala ang ilang main man nitong sina Bright Akhuetie at Gomez de Liaño brothers.

Hindi naman naging sapat ang double-double output ni transferee Justin Arana para sa Arellano na may 16 points at 17 rebounds.

Katulong din para sa Chiefs at bago nitong head coach Cholo Martin sina Daniel Bayla and Rence Alcoriza na may parehas na 14 points.

Susunod na makakatapat ng Fighting Maroons ang DLSU Green Archers sa Linggo, alas-4 hapon sa FilOil Flying V Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?