76

Oct 14, 2021 @ 17:14
By

Rivermaya proud ‘kakampink,’ nilayasan ng mga fan

Nalagasan ng mga tagasuporta ang Rivermaya matapos nitong makisawsaw sa ‘Pink movement’ sa social media.

Ito ay matapos nilang palitan ang kanilang display photo sa Facebook ng may nakasulat na “Rivermaya” sa font color na pink.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=417754789709625&set=a.337667221051716&type=3

Marami ang naniniwala na dahil ito sa pink movement na paandar ng mga supporters ni presidetial aspirant Vice President Leni Robredo.

Kaugnay nito, sinabi ng OPM band na nirerespeto naman nila ang desisyon ng mga fan na umayaw sa kanila dahil dito.

“Sa mga ayaw na sa amin dahil sa pagsuporta namin kay VP Leni, okey lang ‘yon. Kahit wala namang koneksyon ang musika sa pulitka, rerespetuhin ko ang inyong desisyon,” anang banda sa isang pahayag.

“Sa mga patuloy na susuporta sa amin kahit na magkaiba tayo ng political views, maraming salamat. Pwede namang magkasundo pa rin sa musika, di ba? Naka ilang eleksyon na ba tayo mula 1994? Never namin ipipilit sa inyo ang panananaw namin,” dagdag pa nila.

Paglilinaw nila, hindi nila kinakamapanya ang opisyal.

“[K]laruhin nga natin ngayon pa lang, hindi kami binayaran kahit piso,” giit nila.

“Basta tandaan niyo, ‘pag gumagawa ng musika, ito ay para sa lahat.”

Nagpahabol naman ang banda sa pahayag at sinabing maglalabas sila ng bagong album.

“Abangan niyo bagong single namin. Medyo malapit na.” (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?