90
cole-sprouse
Apr 19, 2018 @ 13:27

‘Riverdale’ star Cole Sprouse, makikipag-bonding sa Pinoy fans

Makikipagkita ang American actor na si Cole Sprouse sa mga tagahanga nito sa bansa sa gaganaping ‘meet-and-greet’.

Ayon sa Instagram account ng Bench, dumating na ang “Riverdale” star noong Miyerkoles sa Ninoy Aquino International Airport.

Hindi lang umano isang beses makikipag-bonding si Sprouse sa kanyang Pinoy fans kundi dalawang meet-and-greet events ang magaganap sa Biyernes.

Nasa SM Mall of Asia Music Hall si Sprouse ng alas-tres ng hapon habang pupunta naman siya sa Glorietta Activity Center sa Biyernes ng alas-singko ng hapon para harapin ang fans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?