317

Jan 13, 2022 @ 15:19
By

Ritz Azul sapol ng COVID: ‘Iyak ako nang iyak’

Na-depress si sexy actress Ritz Azul matapos magpositibo sa COVID-19.

Dapat daw ay magse-celebrate sila ng kanyang 28th birthday with family sa farm pero hindi ito natuloy dahil tinamaan siya at kanyang mister ng COVID.

“Ang plan talaga namin ngayong 28th birthday ko ay pupunta kami sa farm with my family for 2 nights. Sobrang excited ako kasi makakasama ko ang family ko and first time namin ni Allan na mag-celebrate ng birthday ko as husband and wife,” saad niya sa Instagram post.

“But… di natuloy ang plano dahil nag-positive kami ni Allan sa COVID. Sobrang lungkot ko, iyak ako nang iyak habang papalapit ang birthday ko dahil naiisip ko di matutuloy ‘yung na-promise ko kay Rizpah na pupunta kami sa farm, pero everyday akong chinicheer up ni @allan_guwi, pinapatawa nya ako kahit na sya rin malungkot din daw sa nangyari,” dagdag niya.

Sakto naman daw sa bisperas ng birthday niya ay nag-negative na sila sa COVID, na isa raw napakagandang regalo sa kanila.

“12:00MN – birthday salubong. Di ako nage-expect ng kung anoman (obvious naman sa suot ko. HAHAHA pasensya na) pero may hinanda palang mini celebration si Allan, may bonus pa na regalo.

“Di man nangyari ang mga plano namin, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos sa buhay na ito at sa mga taong nakapaligid sa akin. I have everything in life ‘coz I have all the love I need. Wala na akong mahihiling pa kundi sana ingatan at patnubayan nawa tayong palagi ng Diyos.”


(IS)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?