589

Sep 2, 2018 @ 10:05
By

Ritz Azul isang ‘gold digger at social climber’

Nakagawa na ng ilang pelikula si Ritz Azul, pero ang latest movie niyang ‘The Hopeful Romantic’ ang maituturing na biggest break niya sa pelikula dahil bida na siya rito.

Si Ritz ang leading lady ni Pepe Herrera sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Topel Lee.

Nauna rito, noong 2014 ay napanood si Ritz sa ‘Separados’ na tinampukan nina Ricky Davao, Jason Abalos, Anjo Yllana, Erik Santos, at Alfred Vargas. This year ay napanood din ang aktres sa Edgar Allan Guzman starrer na ‘Mata Tapang’ para sa CineFilipino 2018.

Ikinuwento ni Ritz ang papel niya sa pelikulang ‘The Hopeful Romantic’ .

Pahayag ng aktres, “Dito sa The Hopeful Romantic, ako si Veronica, isang gold digger na… alam mo naman ang mga gold digger, naghahanap ng raraketin na mga lalaki para magkaroon sila ng kita.

“Ganoon akong klaseng babae rito, isa rin akong social climber dito. Actually, kabaligtaran ko bilang Ritz Azul, hahaha!”

Pinuri rin ni Ritz ang leading man niyang si Pepe para sa pelikulang ito ng Regal Entertainment na mapapanood na sa September 12.

“Nakatrabaho ko na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano,” nakangiting esplika niya.

Aniya pa, “Dito sa movie na ito mas nakilala ko siya. Sobrang suwerte ko na siya ang ka-partner ko rito, kasi may mga eksenang maseselan din. May bed scene kami rito, eh.

“So, ang suwerte ko dahil sobrang professional niya, sobrang nagco-collab kasi siya sa mga writers, sa producer, kay Direk Topel, at sa co-actors niya. Tapos, hindi siya hihinto sa isang eksena hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niyang timpla, kahit paulit-ulit ang take,” lahad pa ni Ritz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?