83

By

Ritz Azul gustong tikman sina Empoy at Ryan

Sharing is caring!

AKALAIN mo ‘yun, pagkatapos na sabihin ni Ritz Azul na isa sa gusto niyang makapareha sana sa Kapamilya network ay si Piolo Pascual, bigla itong humirit ng talagang gustong-gusto raw niyang makasama.

“Ang gusto ko talaga, si Ryan Bang at saka si Empoy,” pag-amin niya.

Si Ryan ay kasama niya ngayon sa Banana Sundae while si Empoy naman, noong nasa TV 5 pa siya ay tila nakasama na rin niya.

So, bakit ang dalawa ang bet niyang maging leading men instead doon sa mga the usual na pinapangarap na leading men talaga ng mga artistang babae?

“Si Ryan Bang at si Empoy, nakikita natin kwela, masayang kasama. Yun ang gusto kong ma-experience rin. Nakasama ko si Ryan Bang, magaling din siya, matalino at saka, para bago naman.

“Actually, dati ko pang gusto. Dati ko pang pangarap ‘yang si Empoy talaga. Nakasama ko na nga siya sa TV5 pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maging loveteam talaga.”

At puwede pa palang kabahan si Alessandra de Rossi o ang Alempoy sa kanya, huh?

“Si Empoy at si Ryan talaga, honestly, gusto ko talaga silang makapareha. Lalo na kung movie siguro.’ Yun talaga ang pangarap ko.”

Sa ngayon, katatapos ng serye nilang Promise of Forever kaya so far, happy naman daw siya na naging regular na nga siya ng Banana Sundae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?