55

Mar 9, 2020 @ 15:21
By

RITM kulang sa test kit para sa COVID-19

Labis ang pagkadismaya ni Senadora Nancy Binay nang malamang mahigit sa 2,000 lang ang reserbang test kit ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na ginagamit sa pagsusuri sa mga posibleng nahawahan ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa pagdinig ng Senate committee on economic affairs sa epekto ng COVID-19 sa bansa nitong Lunes, tinanong ni Binay ang kinatawan ng Department of Health (DOH) at RITM kung ilan ang stock nilang test kit.

“As we speak today, our stock on hand is good for 2,000 test,” sagot ni Dr. Rosanna Ditangco, ng RITM, sa tanong ni Binay.

Ayon naman kay Dr. Alathea de Guzman, Medical Special IV ng DOH Epidemiology Bureau, humiling na umano ng karagdang pondo na P43 milyon halaga na gagamiting pambili ng karagdang test kit.

Nang tanungin pa ni Binay ang DOH at RITM may paparating pa ba n mga bagong testing kit, sinabi ni De Guzman na may darating ng 4,500 na piraso na magmumula sa World Health Organization (WHO).

“There is an incoming 4,500 testing kits from WHO and that may be good for 2,000 individuals,” sabi ni De Guzman.

Tanong naman ni Binay, “Do you think that is enough?”

Sabi naman ni De Guzman, iyon aniya ang dahilan kung bakit sila nagre-request ng karagdagang P43 milyong pondo na gagamiting pambili ng dagdag na mga testing kit.

Dismayado naman si Binay sa sagot na ito ng mga opisyal ng DOH dahil tila hindi pinaghandaan ng mga ito ang local transmission ng COVID-19

“I don’t want to panic you’re making me panic. ‘Yung naririnig naming parang hindi pinaghandaan ang local transmission,” sabi ni Binay.

“Mismong si Sec. Duque na ang nagsabi (new cases of COVID-19) pero we have only 2,000 testing kits out of 100 million population. Hindi ba nakakatakot,” tanong pa ni Binay sa mga opisyal ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?