861

Aug 26, 2020 @ 18:45

Rise and Shine Pilipinas: Aljo, Dianne, Gab magpapasiklab sa PTV

Simula sa Setyembre 7, may bagong makakasama sa almusal ang mga Pinoy. Na habang umiinom ng mainit kape, kasabay ang chikahan ng mainit na isyu, at pagtalakay sa mga bagay na makatutulong sa pang-araw-araw na buhay.

So, abang-abang na sa bagong morning show, ang “Rise and Shine Pilipinas!” (RSP!) na mapapanood sa People’s Television Network (PTV).

Ang mga host ng RSP ay sina Aljo Bendijo, Dianne Querrer at ng poging youth leader na si Gab Bayan.

“Para siyang radyo. Fast-paced at hindi boring. I am excited to deliver the news in the morning because it is necessary to feed the public’s mind with the freshest news as they prepare for their daily grind,” sabi ni Aljo.

“It is, of course, exciting to be the daily “kakwentuhan” at “kabalitaan” of our viewers every morning! Nakakatuwa ring mapatuloy kami sa bawat tahanan ng mga kababayan natin tuwing umaga,” sey naman ni Dianne.

“The viewers will surely see the bubbly and “less serious” side of me. People see me always in the prime-time newscast delivering mostly serious news. RSP! Now gives us opportunities for casual conversations and more interaction with our audience,” dagdag pa ng beauty queen na si Querrer.

“People may use this program to air their grievances. After all, the program (PTV) is run using the people’s money and it is mandated to be used for the welfare of the Filipino people,” sey naman uli ni Aljo.

Samantala, ayon naman kay Bayan, ang RSP ay magpo-focus din sa mga millennial viewers. Magpapakitang gilas si Gab sa pagsayaw, at siyempre ng talino.

“I am both honored and somehow pressured to be hosting this new program with two respected news personalities. However, I take it also as an opportunity to further hone my craft and to challenge myself each day to bring something new to the table every single day,” sambit pa ni Bayan.

Ang “Rise and Shine, Pilipinas!” ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyerne ng 7 to 830 ng umaga. (DS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?