169

Jan 10, 2022 @ 20:38
By

Riot sumiklab sa Caloocan City Jail, 4 inmate malubha

Apat na bilanggo ang malubhang sugatan sa riot na sumiklab sa Caloocan City Jail nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology spokesman Xavier Solda, bandang alas-4 ng hapon naganap ang riot.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Solda na nag-ugat ito sa dalawang grupo ng mga inmate na nagbibiruan at nagkapikunan.

Dagdag niya, halos dalawang taon na walang pisikal na pagbisita mula sa kanilang mahal sa buhay ang mga inmate kaya siguro ay naburyo ang mga ito.

Dahil dito, mananatili aniyang naka-heightened alert status ang Caloocan City Jail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?