38

By

Rio kinuwestiyon ang madaliang paghirang sa DICT secretary

Sharing is caring!

Labis na ipinagtataka ni Department of Information ang Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio Jr. ang madaliang pagpapalit ng kalihim ng kagawaran.

Kinukwestiyon ni Rio na bakit kailangang madaliin ang pagpapalit ng pamunuan gayong masyado silang abala ngayon sa pag-aasikaso sa paghirang sa 3rd telco player ng bansa.

Ito ang reaksiyon ni Rio matapos ipahayag ni Senador Gringo Honasan na tinaggap na niya ang alok ni Pangulong Duterte na pamunuan ang DICT.

Saad pa ni Rio, wala umano siyang nakikitang dahilan upang madaliin ang pag take-over ni Honasan sa kanyang pwesto.

Umaasa si Rio na mabigyan pa siya ng ilan pang linggo sa pamunuan hanggang sa maisapinal ang pagpasok ng 3rd telco player na saad niya’y labis niyang pinaghirapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?