123

Nov 24, 2018 @ 13:56
By

Rio, Honasan nagkita na

Nagkausap na sina outgoing secretary Eliseo Rio at incoming secretary Gregorio Honasan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sinabi ni Rio na inihayag niya kay Honasan ang kanyang buong suporta sa ahensiya para maisulong ang mga programang mapapakinabangan ng sambayanan.

Wala pa aniya siyang alam kung saan dadalhin dahil ang puwestong iniwanan niya noon bilang Undersecretary ay napunan na ni Pangulong Duterte.

“Yung usap namin noong Huwebes, binati ko siya at full support ako kung ano ang puwedeng maitulong sa ahensiya. I serve at the pleasure of the President,” ani Rio.

Sinabi ng kalihim na hiniling sa kanya ni Honasan na tulungan siya at ituloy ang naumpisahan nito para hindi maantala ang programa sa ahensiya.

Ang appointment ni Honasan ay inilabas ng Malacañang noong Miyerkoles bilang bagong kalihim ng DICT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?