103

Dec 30, 2017 @ 12:04

Ringo Starr, Barry Gibb pinarangalan ng British knighthood

Pinarangalan ng knighthood si Beatles drummer Ringo Starr at natitirang Bee Gees na si Barry Gibb sa tradisyunal na New Year Honours ng Britain.

Nakasama ng dalawang music legends sa prestihiyosong listahan ang Golden Globe-winning actor na si Hugh Laurie, dancer na si Darcey Bussell at hip-hop artist na si Wiley.

Nakabilang din ang 101-year-old Lieutenant Colonel na si Mordaunt Cohen, na pinarangalan dahil sa kanyang World War II education.

Pinakabata namang binigyan ng pagkilala si Lucia Mee, 18-anyos, para sa pagpapalaganap nito ng kamalayan hinggil sa pagdo-donate ng mga bahagi ng katawan o organ donation.

Si Starr, 77-anyos, na ang tunay na pangalan ay Richard Starkey, ay naging miyembro ng Order of the British Empire (MBE) noong 1965, ngunit matapos ang 52 years ay binigyan na ng knighthood awards para sa kanyang kontribusyon sa musika.

Sumunod si Starr sa yapak ng kabanda niya sa Beatles na si Paul McCartney noong 1997.

Dahil naman sa kanyang kontribusyon sa musika at pagkakawanggawa kaya’t tinanggap din ni Gibb ang kanyang knighthood.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?