32

Mar 22, 2020 @ 2:28
By

Rihanna nag-donate ng $5 million para labanan ang COVID-19

Naglabas ng $5 million ang singer na si Rihanna mula sa itinayo nitong non-profit organization upang makatulong sa mga apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ibubuhos ang pondong ito sa mga binuong kampanya kontra COVID-19 gaya ng Direct Relief, Partners In Health, Feeding America, International Rescue Committee, at World Health Organization’s COVID-19 Solidarity Response Fund.

“Never has it been more important or urgent to protect and prepare marginalized and underserved communities — those who will be hit hardest by this pandemic,” saad ni Justine Lucas, Executive Director ng Clara Lionel Foundation ni Rihanna.

“We’ve responded to COVID-19 by distributing $5 million in grants to @PartnersInHealth @DirectRelief @FeedingAmerica @RescueOrg @WHO and #Barbados to prepare communities w/ critical protective gear, medical supplies, equipment and access to food across multiple countries and regions. #CLF #HealthcareHeroes ?: Partners in Health,” ayon sa post ng Clara Lionel Foundation.

Noon pa man ay tumutulong na ang Clara Lionel Foundation sa health and disaster preparedness lalo na sa parte ng Caribbean and sub-Saharan Africa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?