273

Dec 12, 2017 @ 14:33
By

Ridon sa Palasyo: Hindi kami lakwatsero!

Hindi nagkulang ang mga opisyal ng Presidential Commission for the Urban Poor sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Ito ang sagot ni PCUP Commissioner Terry Ridon matapos ianunsiyo ng Malacañang ang pagbuwag sa komisyon dahil sa pagiging notorious umano ng mga opisyal sa biyahe sa ibang bansa.

Sinabi ni Ridon na makikita sa record ng PCUP na naipatupad ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang demolisyon hanggat walang relokasyon.

Naiparating aniya niya ang boses ng urban poor sa mga pandaigdigang pulong na may kinalaman sa pabahay, climate change at poverty alleviation.

“The public record of the agency can speak for itself: we had implemented with full integrity the presidential promise of no demolition without relocation.

We had represented government and given voice to the urban poor in international conferences on public housing, poverty alleviation and climate change, which was unprecedented in any administration,” pahayag ni Ridon.

Binigyang-diin ni Ridon na tinupad nila ang kanilang mandato ng may integridad at kakayahan sa kabila ng mga balakid para sa makatotohanang reporma.

Magkagayunman, nagpasalamat pa rin si Ridon kay Pangulong Duterte sa oportunidad na ibinigay sa kanila para pagsilbihan ang sambayanan.

“We thank the President for the opportunity to serve the nation.
We performed our mandate to the best of our abilities, with integrity and competence, despite the heavy burden of undertaking genuine reform,”ang dagdag na pahayag ni Atty. Ridon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?