26

By

Riding-in-tandem tumba sa pulis-QC

Sharing is caring!

Todas ang ‘motorcycle riding criminals’ na nangholdap sa isang magkasintahaan makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling araw.

Ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ay inilarawan ni QCPD Director, P/ Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., na nasa edad na 25-30, kapwa nakasuot ng white at brown na short pants at itim na T-shirt, umano’y miyembro ng Ewang at Sputnik gang at dating inmates ng Quezon City Jail.

Batay sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD na pinamumunuan ni P/Supt. Elmer Monsalve, dakong alas – 2:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Eden St., Clemente Subd. Brgy. San Agustin, Novaliches, QC.

Kagagaling lang sa isang convenience store sa lugar ang biktimang sina Kimberly Valdez at boyfriend na si Arby nang biglang hintuan ng mga suspek na sakay ng walang plakang motorsiklo at tinutukan ng baril ang babae.

Dahil sa takot, agad ibinigay ni Kimberly ang shoulder bag na may lamang P1,000 cash sa holdaper kung saan mabilis itong sumakay sa nakaabang na motorsiklo.

Nagkataon naman na nagpapatrulya ang mga operatiba ng Novaliches Police Station 4 at naharang ang mga papatakas na mga holdapers upang sitahinsubalit sa halip na tumigil ay pinaharurot pa ng mga itot ang sisnasakyang motorsiklo saaka nagpaptutok ng binaril kaya naman gumanti na rin ng putok ng baril ang mga awtoridad.

“Tiyempo naman na may dumaan na police mobile kaya agad nai-report po namin,” pahayag nina Kimberly at boyfriend nito.

Nasamsam sa mga napatay na holdaper ang cellphone at dalawang baril na kalibre .38 at kal. 45 na pistola. Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga hinihinalang holdaper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?