23

By

Riding-in-tandem todas sa QC shootout

Sharing is caring!

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang holdaper na magkaangkas sa motorsiklo nang manlaban habang tinutugis ng mga awtoridad kagabi sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Joselito T. Esquivel Jr., wala pang nakuhang pagkikilanlan sa dalawang napatay na mga holdaper na may mga taas na 5’4, nakasuot ng long sleeves, short pants, puti at itim na helmets.

Batay sa inisyal na report kay Masambong Police Station (PS 2) commander Rodrigo Soriano, dakong alas-nuwebe nang gabi Miyerkoles, nagtungo sa kanilang tanggapan si Marilyn Gonzales, 62-anyos, at ini-report na hinoldap siya sa Roosevelt Ave. corner Cooper St., Brgy. Paraiso.

Aniya, habang nag-aabang siya ng masasakyan ay biglang huminto sa kanyang harapan ang dalawang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo at hinaltak ang kanyang bag, saka tumakas patungong EDSA, Muñoz.

Matapos ilarawan ng biktima ang sinasakyang motorsiklo at maging ang mga suot ng suspek ay agad na nagsagawa ng pagpapatrolya ang Tactical Motorcycle Riders (TMR) ng Masambong Police Station.

Habang nagpapatrolya ay namataan ng mga awtoridad ang mga inilarawang suspek ng biktima at ang sinasabing sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa San Jose St. corner West Riverside, Brgy. San Antonio.

Nang lapitan ang mga naturang suspek upang sitahin ay agad na pinaputukan ng mga ito ang mga awtoridad kaya mabilis na ring gumanti nang pamamaril ang mga pulis.

Nasamsam sa lugar na pinangyarihan ng engkuwentro ang isang Smith and Wesson caliber .357 Magnum revolver na may lamang apat na live ammunition, isang caliber .38 with na may apat na live ammunition, (6) sachets ng shabu, at ang motorsiklo na ginamit ng mga holdaper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?