54

Jun 20, 2022 @ 9:10
By

Riding in tandem nagpanggap na pulis, 4 menor de edad hinoldap

Hinoldap ang 4 na kabataan sa labas ng isang convenience store sa Quezon City ng riding in tandem na nagpanggap lamang na mga pulis.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 9, papasok na sana sa convenience store ang mga menor de edad nang dumating ang 2 suspek sakay ang motor.

Ang riding in tandem ay nagpakilalang mga pulis at sinabihan silang huwag gagalaw dahil may baril sila.

Ang mga biktima ay tinanong kung may kakilala silang gumagamit ng illegal na gamot sa barangay.

Kinuha ang kanilang mga cellphone upang ma-verify umano na hindi sila nagdodroga.

Nang makuha ang mga cellphone ay muli silang binantaan na huwag gagalaw kundi babarilin sila.

Tumakas ang mga sakay ng motor at tinangay ang kanilang mga cellphone.

Nagsumbong agad sa pulisya ang mga biktima. Nang ipresenta nila ang rogue’s gallery, itinuro nila ang isang holdaper na si Darwin Nieto.

Sasampahan ng kaso si Nieto at ang kasabwat.

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?