123
Riding in tandem iginiit na ipagbawal sa EDSA
By

Riding in tandem iginiit na ipagbawal sa EDSA

Inirekomenda ng hepe ng Mandaluyong City Police Station sa mga lokal na pamahalaan at sa Metro Manila Development Authority na gayahin ang kanilang lungsod at ipagbawal na ang riding in tandem sa ilang pangunahing daanan.

Kabilang na umano rito ang EDSA matapos ang naging pananambang sa isang negosyante at driver nito noong Linggo.

Ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran sa report ng Inquirer, mula nang manungkulan siya sa Mandaluyong City Police Station noong 2016 kung saan umiiral na ang pagbabawal sa riding in tandem sa lungsod taong 2014 pa, wala pang naitalang insidente ng krimen na sangkot ang tandem.

Batid umano ni Villaceran na malaking inconvenience ito sa mga motorista pero maaari naman umanong iimplementa kung kinakailangan na.

Noong Pebrero 17 binaril at napatay ng mga suspek na sakay ng iisang motorsiklo ang negosyanteng si Jose Luis Yulo at driver na si Allan Nomer Santos sa southbound lane ng EDSA malapit sa Reliance Street sa Mandaluyong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?